17 Jul 2008

Pano Kung..

Mag-Tagalog ako ngayon sa blog post na 'to? Benta kasi. Kagabi ko pa naiisip na mag-papaskil ako ng isang entry na nagtatagalog ako. Di naman kelangan puro tagalog lang. Basta, trip ko lang. :)

Bakit?
Andaming pwedeng sagot sa tanong na 'to. Iisang salita lang andami-daming ipinapahiwatig. Pwedeng mababaw, pwede ri'ng malalim. Hindi ko lang kasi maintindihan, bakit may mga tao na nagbabago para sa masama? Kasi naguguluhan na 'ko eh. Nagbago kasi sya. Simula nung maging busy ako di na sya tulad ng dati. Kasabay din ng pagbabago nya ang pagiiba ng tingin ko sa kanya. Ayos naman kami bago ako magsimulang pumasok, pero nung natambakan na 'ko ng mga plates (para sa kaalaman mo, puro major subjects na kami) syempre nabawasan yung oras na nakalaan para sa kanya. Tapos nung kelan lang na nagkausap kami ulit, ibang iba na sya. Yung pakikitungo nya sakin eh parang di naman nya 'ko mahal. Syempre yung dating sakin ngayon kulang na sya sa effort. Dati kasi talagang kung pepwede eh magkikita kami. Ngayon hindi na. Parang sya din yung huli na nanligaw sakin, gusto ako pa susuyo. Ako yung ginagawang lalake. Pero naisip ko din na medyo matagal na din sya'ng nanliligaw (siguro). Simula mga April ata o end of March. Eh kung ipagpapalagay natin na March pa sya nanliligaw, may tatlong buwan na din. Pinaka matagal na nanligaw sakin yan. Grabe di ko talaga alam. Siguro ako ang may problema at hindi ako maka-oo sa gusto nya mangyari samin. Masyado lang siguro akong nadala nung nakaraan. Pero hindi rin eh, kasi diba.. kung pursigido naman talaga sya eh pag nakita ko yung tumataginting nya'ng effort, hindi ako mag-aatubili. Kaya lang, medyo pumapalpak na sya. At tsaka, kung sobrang gusto ko sya, wala nang alinlangan. Ewan. Bahala na siguro kung ano mangyayari. Kung masama man o mabuti yun, eh nararapat lang siguro. Diba?

Pati bakit ako nagkakagusto sa iba? At nasasaktan ako dahil din sa iba na 'to. Nagseselos ako sa mga babae na kasama nya. Mali din 'to diba? :(

No comments: