23 Jul 2008

Ang Tanga Ko

Wala lang. Kinakarma na 'ko sa mga pinag-gagagawa ko sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko gusto. Kagabi umiyak ako. First time nalang ulit kagabi dahil sa isang tao. Hindi dahil sa mga nangyayari. Well, ganon din naman kasi dahil sa nangyari samin kaya ako naiyak. Alam mo yun? Hindi mo 'ko naiintindihan. Sa sobrang selfish ko, wala akong binitawan. Gusto ko akin lang lahat. Grabe, life is surely taking its toll on me. Ito na, nagsusuffer na 'ko. Ano pa ba gusto nyo mangyari diba? Nagkamali ako, kasalanan ko din. Kahit ilang beses ko isumbat sa kanya yung pagkakamali nya, hindi parin natin maaalis na malaki din pagkakamali ko. I should've known better. Dapat umpisa palang alam ko na mangyayari 'to. Isang malaking kalokohan. Kung hindi ako nagpaka-tanga, edi sana hindi 'to mangyayari at OK padin ako. Eh hindi, masyado kong pinairal yung hindi dapat. Andami nang nagsasabi sakin na wag, pero ano ginawa ko? Go parin ako eh! Kahihiyan nalang talaga. Sa susunod, di ko na papabayaan sarili ko. Salamat kay Trina kagabi. Sya yung tinawagan ko eh. Andami nyang sinabi, nakaka-comfort. :) Sana makalimutan ko agad.



LSS: A Letter To Elise - The Cure
Elise, believe I never wanted this.

No comments: