18 Jul 2008

May Oras Pa 'Ko?

Tignan mo nga naman, busing-busy na 'ko sa pag-gawa ng mga plates nakakahanap parin ako ng panahon para makapag-post lang sa blog. Actually wala pa 'kong nagagawang plates ngayon kasi talagang tinatamad ako! Tama ba na tambakan kami ng prof namin sa Lettering ng sangkaterbang plates? Ayan tuloy, naipon. Apat agad eh. Haay nako, wala naman kaming choice. Syempre kelangan namin gawin! Di naman kasi pinupulot ang grades.. pinaghihirapan. Estudyante lang naman kami, prof sila.. tinutulungan nila kami sa landas na gusto namin tahakin. Sorry, wala lang talaga ako sa mood mag-English masyado. Ewan ko ba kung bakit. Off topic! Ayun nga, balak kasi namin ngayon eh gumawa ng plates sa Lett dito sa bahay. Kami nila Des, Mineza at Jelly. Dito daw sila matutulog. If I know, GG lang nila yun. Pero sana tumuloy, pinaghahandaan na ng mga tao dito yung pagdating nila! Si Des siguro payagan pa. Ewan ko lang sa dalawa. Actually si Jelly di pinayagan eh kasi may pupuntahan daw siya. Haha GG nga talaga! Ok lang, alam ko naman tinatamad lang yun. Pagka-layo layo naman kasi ng bahay ko.

Gusto ko sana mag-training ngayon kaya lang eh di ako pinayagan ni papa. Oo, nagpumilit ako kanina. Pero na-guilty ako nung sinabi nya na di daw ako mapagsabihan (isang paraan upang sabihin sakin na matigas ang ulo ko). Kaya sabi ko pupunta nalang ako ng school para makabili ng bristol board tsaka India ink. Sana hindi na luma yung mabili ko. Ano ba dahilan ng hindi nya pag-sang ayon sakin? Kakagaling ko lang kasi sa sakit. Eh medyo tumagal sya hanggang kahapon. Natatakot lang naman sya para sakin dahil hindi na nga daw ako makahinga. Gets ko naman sya eh. Atat lang talaga ako mag-training. Second week na 'to na di ako tumatakbo sa field. :( Tapos napansin ko pa kanina namamaga nanaman yung ankle ko. Two weeks na din 'to. Nakakairita lang naman kasi kung kelan ako nasa mood talaga, nagkakaron ng pangyayari na di talaga maganda. Tulad nalang ng sprain ko, ng lagnat. Di ko rin naman masisi yung super hectic schedule ng section ko. Lagi kasi kami whole day. Isipin mo naman, 7am-6pm kami nasa school tapos two subjects lang. Meron pang araw na wala kaming break, tas tatlong subjects. Dahil nga dalawang beses palang ako nakakapag-train, pakiramdam ko tuloy iniisip na ng mga tao sa CFAD team na gumagawa lang ako ng dahilan para di ako makapag-train. Friday nalang yung tanging araw na pwede ako, yun pa yung nabubugbog ako dahil sa plates. Pag Saturday naman na parang official training ng CFAD Football Team, nagkaka-conflict sa sked ko. Kasi nga diba, 3pm yung training tapos may Theo ako nun. :| Nalulungkot ako pag naiisip ko. Pursigido pa naman ako. Haay. Pero kung di ako makakapag-training ng husto ngayon, siguro eh next year nalang ako? Pero naisip ko rin, sayang yung opportunity. Next sem naman di na pwede kasi next sem na yung intrams eh. Gusto ko maexcempt sa PE! Para may uno na 'ko agad. Haay, bahala na siguro. Anghirap maging freshman. :| Pero masaya parin naman. Gusto ko naman ginagawa ko eh.

Masakit nanaman ankle ko.

Di na talaga ako makakapag-train today.

***
Gusto ko parin sya.


Angtagal ko na talagang naghahanap ng Havaianas Flash Way in black and silver. Syempre ayoko ng isa lang. Nilalangoy ko na ang buong Multiply para lang makahanap ng affordable at original talaga na Havs. Gusto ko talaga ng ganito. Pati yung Graphite na Slim. Pampalago lang naman ng Havs collection ko na di na natuloy dahil lang dun sa brown na Havs ko na nabili noon noon pa. May dalawang taon na din. Naulit lang nung bumili kami ni mama nitong taon ng dalawang pares ng Slim (dark blue Animals tsaka yung may stripes) tsaka isang pares ng metallic na top. Parang blue green kulay nya eh. Basta yun na. Haay.

Osya, tama na. Masyado na 'kong naaaliw dito. Kelangan ko na tawagan si Des.

No comments: